Tuesday, 9 August 2011

Happy 6th Monthsary Mahal ko...

ang saya saya ko , 6th months na pla tayong nagmamahalan,ayee haha.. :D miss na miss na kita mahal,kahit magkalayo tayo sa isa’t isa sobrang mahal kita. Ikaw lang mahal ko, kung nagkakagusto man ako sa ibang lalake crush lang yun :) Ikaw padin ang pinaka matimbang sa puso ko syempre ikaw si BATMAN ! Seryosong seryoso ako sa pagmamahal ko sayo, mabait na nga ako eh nung ikaw naging boyfriend ko. Ang Hiling ko lang, sana maging tapat tayo sa isa’t isa tsaka wag ka mangbabae. gusto ko ako lang mahal mo.. :D hihi ang selfish noh? hyaan muna ganun tlga ako. haha. wag kana magka crush jan ha, kase umiinit ulo ko kapag ganun. Sorry din pala kung nagseselos ako kung minsan sa mga nababalitaan ko na may lumalandi sayo jan, wala eh, wala akong magawa kasi selosa ako,madaling magselos dahil sobrang mahal kita.ayaw kong maagaw ka ng iba dahil gusto ko AKIN KA LANG . yun bang walang Malanding mangkukulam ang aagaw sayo. hihi.. At sana, wag ka din naman lumandi ah? ahah. Makuntento ka na saakin. :) kasi ako kuntento nako sayo. kahit ba may makita pa akong mas gwapo sayo. ikaw na talaga.. kasi Ugali mo naman ang gusto ko eh. Napapasaya mo ako ng sobra.Mahalagang mahalaga ka saakin Mahal. Pasensyahan mo nlang ako kapag maPride ako kung minsan. gusto ko kasi ikaw maunang kumausap saakin, tapos gusto ko nilalambing mo ako palagi. hihihi. Alam mo? Bago ako matulog hanggang pag gising ko ba naman ikaw nasa isip ko. Oha!.. yan ang inlove ;)inlove sayo! Namimiss na kita ng sobra sobra,lalo nung magkasama tayo. Sana ikaw na talaga. TAYO NA TALAGA.. ayun, sana magtagal pa tayo ng maraming maraming months and years. at gusto ko ikaw na Makatuluyan ko ! . Magpakabait tayo, at maging Loyal sa isa’t isa. ok? hanggang dito nalang. ang haba na ng sinabi ko eh. pero iisa lang ibig sabhin ng lahat ng yan. MAHAL NA MAHAL KITA.. ingatan mo sarili mo jan Mahal.ILOVEYOUSOMUCH ! MISS NA KITA SOBRA!.
Mhua mhua. :* :* :* 

Wednesday, 15 June 2011

haaaay :/

Boring sa School kasi wala yung "MULTO" na pnapanuod kong maglaro ng soccer.

Sunday, 8 May 2011


Paano ba tumibok ang puso pag enlab? tugtug tugtug tugtug… (kinakabahan parang laging high sa drugs o kaya katol na sininghot)
Paano naman kung broken hearted? tug.. tug.. tug..( dahan dahan na sa pag tibok.. kasi nagdadalawang isip na kung gusto pa ng puso nya na magpatuloy tumibok bok bok )
Kapag sobrang broken hearted? ______________________________ ( in hale exhale nalang ang naririnig kasi pinipigilan na nya tumibok ang puso)
Hahayss araw ng mga puso daw.. ano ba meron sa puso bakit nadadamay ang puso kapag valentines day?
Pero para sa akin ang valentines day ay hindi para sa mga couples lamang.. para rin ito sa mga inlove, gustong ma inlove, broken hearted at all the singles out there. Kasi lahat ng tao may puso o ha?? Siguro kasama na rin pati saging kasi may puso rin sya , korny? hmmmkei.
Wag ka nang mag bitter bitteran dyan na para lang sa kanila ang araw ng balentayns para rin ito sa iyo at sa akin dahil aminin mo man o hindi umiibig ka din, pana panahon lang iyan. Nagkataon lang na ngayon ay wala kang ka pakner.Oweno naman ngayon?
Mag isip ka nalang ng mga bagay na nakakatulong sa pagkatao mo.. ano uli yun .. sensya na di pa ako nagkakape eh.. o kaya basahin mo yun post ko last year bout v-day
Kung sabagay nakakainggit nga naman hahays na iyong iba nasa restaurant o kung saan saang lugar na nagkalat para mapatunayan ang pagpamamahalan nila. . (pagmamahalan?? anu daw ? weh! ) sa araw ng mga puso.
Kung baga araw lang naman yan isang araw lang so wag ka nang komontra sa gusto ng nakakarami…. >>>>
  • May ari ng mga hotel/motel/ inn
  • Mga nagbebenta ng cards
  • May ari ng mga Restaurants
  • May ari ng mall/ sinehan
  • Nagbebenta ng mga pulang damit, lingerie at kung anek anek pa.
Wag na kontrahin.. Sa huli masarap pa rin ang magmahal at mahalin. Pag ganitong panahon ang daming humihingi ng definition nang love.. o sige papauto uli ako i – de define ko uli ang lab ayun sa experience ko ( umeexperience pa :lol: )
Ang Love… ang tawag ko sa ex ko dati :(
Pag-ibig -ito ay nakakabaliw na pakiramdam na pwede mong maramdaman sa buong buhay mo. nakakapag patirik ng mata( nakatulala ka kasi maghapon sa kakaisip sa kanya kapag inlove o pag nabroken hearted naman titirikan mo nalang sya ng mata tulad nito :roll: )
Para kang kinukuryente ng ilang boltahe kapag nakikita mo sya o nakakadikit (nakow!) nakakapag blush na di na kelangan mag lagay ng cheek stain o blusher.Nakakaganda kapag blooming, nakakapanget kapag sawi. Parang may kung anong kumukulo sa tyan mo, di mo maintindihan kung natatae ka o kung ano pa man yan. O hindi ba nakakabalaliw na pakiramdam non??
Pero aminin mo masaya makaramdam nito diba? Napapangiti ka maghapon kahit walang nagpapatawa sayo parang adik lang din na nakahihit ng katol high to the highest level talaga.
Kinig ka muna ng music kong cheezy mapapangiti ka rin.. damhin mo ! :lol:
Ikaw anong nakakabaliw na pakiramdam ang experience mo?

Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!” -Bob Ong-

Kung Handa kana MagMove On


  1. Umiyak ka – Iiyak mo lang, hindi masama umiyak, pag sobrang sama na ng loob mo, minsan masarap umiyak, kahit lalaki ka pa umiyak ka lang, nakakagaan yun ng pakiramdam. Syempre sa tagong lugar ka umiyak or sa mga friends mo. Minsan masarap pag may humahagod sa likod mo habang umiiyak ka.
  2. Magdasal ka – Humingi ka ng strenght kay Bosing para kayanin lahat ng pagdadalamhati mo. Without the help of God we can do nothing sabi nila. Thank him kahit sa heartaches pasalamatan mo sya, tapos mag sumbong ka sa kanya, lahat ng nararamdaman mo sabihin mo sa kanya. Magugulat ka nalang dahil pag katapos mo mag pray ang gaan na ng pakiramdam mo.
  3. Libangin mo sarili mo – Meaning wag kang mag focus sa kakaisip sa heartache mo, kasi the more na iniisip mo lalo ka lang mahihirapan.
  4. Develop new skills or learn new skill – Focus mo nalang ang atensyon mo sa ibang bagay, tulad ng pag aaral ng bagong skill, pwede ka ding mag blog, matuto mag drive, mag aral kang mag luto kung di ka marunong.. that way makakalimutan mo na yun misery mo may bago ka pang natutunan.
  5. STAY AWAY FROM HIM – Lahat ng memories nya itapon mo na kung gusto mo mag move on, kasi the more na nakikita mo mo mga gamit nya, maalala mo pa din sya, pati number nya burahin mo na sa phone mo, para hindi kana ma tempt na i text sya. Basta kung gusto mo maka move on dapat lahat ng bagay na nakakapag paalala sa kanya iwasan mo na.
  6. Free will – Sarili mo lang ang makakatulong sayo. Dapat kung gusto mo kalimutan ang isang tao, meron kang sapat na kakayanan na gawin yun. Dapat talagang gusto mo. Kasi kahit sundin mo lahat ng sinasabi ko kung hindi ka pa ready, di ka talaga makakamove on. Lahat may rason, kaya dapat may rason ka din bakit mo gusto gawin ito.
  7. Love yourself – Para masabi mo sa sarili mo na karapat dapat kang mahalin, mahalin mo muna sarili mo. Paano ka mamahalin ng tao kung sarili mo ayaw mo? Love yourself ika nga , magpaganda/ magpagwapo ka. Improve yourself. Tapos ngumiti ka.. yan ang pinaka murang pangpaganda/pangpagwapo. ;)
Eto muna mashashare ko. Hindi naman ito mahirap gawin basta ba ready kana mag move on! ;)

Paano nga ba Mag Move On


Minsan sa buhay ng tao, meron tayong mamahalin ng sobra. At kung sino pa yun pinahalagahan mo at minahal ng sobra yun pa ang sobrang nakasakit sa atin. Sabi ng iba kung gaano ka daw nasaktan ganon mo din sya kamahal, kasi kaya ka nasasaktan kasi mahal mo, di ka naman daw masasaktan kung wala lang.
Heartaches kasama sa buhay natin yan eh. Pero paano nga ba ang gagawin mo pag yun sobrang minahal mo ay hindi pala para sayo? Iyon bang buong buhay mo pinangarap mo na sana sya na nga at sana kayo na forever. Pero yun forever na yun ay hindi pala “sya” .
Pinipilit mong intindihin pero hindi maabot ng tamang pag iisip mo, kung bakit hindi pwede maging kayo. Masakit , oo sobrang sakit , kung baga sa kanta “knife cuts like a knife how will i ever heal im so deeply wounded knife” 

heyy hey

I Love You :)