Paano naman kung broken hearted? tug.. tug.. tug..( dahan dahan na sa pag tibok.. kasi nagdadalawang isip na kung gusto pa ng puso nya na magpatuloy tumibok bok bok )
Kapag sobrang broken hearted? ______________________________ ( in hale exhale nalang ang naririnig kasi pinipigilan na nya tumibok ang puso)
Hahayss araw ng mga puso daw.. ano ba meron sa puso bakit nadadamay ang puso kapag valentines day?
Pero para sa akin ang valentines day ay hindi para sa mga couples lamang.. para rin ito sa mga inlove, gustong ma inlove, broken hearted at all the singles out there. Kasi lahat ng tao may puso o ha?? Siguro kasama na rin pati saging kasi may puso rin sya , korny? hmmmkei.
Wag ka nang mag bitter bitteran dyan na para lang sa kanila ang araw ng balentayns para rin ito sa iyo at sa akin dahil aminin mo man o hindi umiibig ka din, pana panahon lang iyan. Nagkataon lang na ngayon ay wala kang ka pakner.Oweno naman ngayon?
Mag isip ka nalang ng mga bagay na nakakatulong sa pagkatao mo.. ano uli yun .. sensya na di pa ako nagkakape eh.. o kaya basahin mo yun post ko last year bout v-day
Kung sabagay nakakainggit nga naman hahays na iyong iba nasa restaurant o kung saan saang lugar na nagkalat para mapatunayan ang pagpamamahalan nila. . (pagmamahalan?? anu daw ? weh! ) sa araw ng mga puso.
Kung baga araw lang naman yan isang araw lang so wag ka nang komontra sa gusto ng nakakarami…. >>>>
- May ari ng mga hotel/motel/ inn
- Mga nagbebenta ng cards
- May ari ng mga Restaurants
- May ari ng mall/ sinehan
- Nagbebenta ng mga pulang damit, lingerie at kung anek anek pa.
Wag na kontrahin.. Sa huli masarap pa rin ang magmahal at mahalin. Pag ganitong panahon ang daming humihingi ng definition nang love.. o sige papauto uli ako i – de define ko uli ang lab ayun sa experience ko ( umeexperience pa
)
Ang Love… ang tawag ko sa ex ko dati 
Pag-ibig -ito ay nakakabaliw na pakiramdam na pwede mong maramdaman sa buong buhay mo. nakakapag patirik ng mata( nakatulala ka kasi maghapon sa kakaisip sa kanya kapag inlove o pag nabroken hearted naman titirikan mo nalang sya ng mata tulad nito
)
Para kang kinukuryente ng ilang boltahe kapag nakikita mo sya o nakakadikit (nakow!) nakakapag blush na di na kelangan mag lagay ng cheek stain o blusher.Nakakaganda kapag blooming, nakakapanget kapag sawi. Parang may kung anong kumukulo sa tyan mo, di mo maintindihan kung natatae ka o kung ano pa man yan. O hindi ba nakakabalaliw na pakiramdam non??
Pero aminin mo masaya makaramdam nito diba? Napapangiti ka maghapon kahit walang nagpapatawa sayo parang adik lang din na nakahihit ng katol high to the highest level talaga.
Kinig ka muna ng music kong cheezy mapapangiti ka rin.. damhin mo ! 
Ikaw anong nakakabaliw na pakiramdam ang experience mo?
Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!” -Bob Ong-
No comments:
Post a Comment